MANGGAGAWA
WSPS.CA
130-BPS-13-IGOT © 2024, Workplace Safety & Prevention Services (WSPS)
1 877 494 WSPS (9777) | 905 614 1400
1
Paghawak ng mga Materyales at Pag-iwas sa Musculoskeletal Disorder
Ano ang Dapat Malaman ng mga Manggagawa
Anumang oras na humahawak ka ng mga materyales, gamit o bagay at inililipat ang puwesto, maaari
kang masaktan kung hindi ligtas na gagawin. Ang Musculoskeletal disorders (MSD) ay mga pinsala
sa kalamnan, litid, at iba pang mga soft-tissue na maaaring biglang mangyari o abutin ng matagal na
panahon bago mapansin. Mahalagang maunawaan mo kung paano nangyayari ang mga pinsalang ito,
at maging maingat sa pagbubuhat, paglalagay o pag-aalis, at paghawak ng mga bagay nang ligtas.
1. Tiyaking mayroon kang sapat na pisikal na
espasyo para sa pagbubuhat at paghawak
ng mga materyales para hindi mo na
kailangang iikot ang likod at leeg mo, o
umabot nang malayo palabas o sa itaas.
2. Tiyaking hawak mo nang maayos ang
mga bagay kapag binubuhat ang mga ito.
Gumamit ng mga hawakan kung mayroon
at buhatin ang mga bagay nang malapit sa
katawan.
Mahahalagang bagay na dapat tandaan kapag mano-manong
nagbubuhat ng mga bagay:
1
2
3. Panatilihin ang isang tuwid na likod at bumuhat gamit ang mga kalamnan sa binti at pwetan
mo, huwag hayaang bumaluktot paloob ang mga tuhod mo.
3